Literary

Mga Tanong sa Propesor ko sa Social Science

Nakakaaliw ang paksang tinatalakay mo,
Samahan mo pa ng masigla mong pagtuturo:
Patawa-tawa dito, pamustra-mustra d’yan.
Nakakamangha ang iyong kaalaman,
Tiyak marami kaming matututunan.
Naipapaliwanag mo ang mga elemento sa paligid ko,
Ang kamo’y mga social at cultural factors na ito,
na tinutukoy mong humuhubog sa aming pagkatao.
nasabi mo rin ang teorya ng ebolusyon ni Darwin & co.
Ang tinaguriang Origin of the Species kuno.


Ngunit mawalang galang na ho sa inyo binibini,
Alam kong alam mong lubos ang iyong pinagsasasabi.
Ngunit alam mo bang Diyos ang lumikha sa sanlibutan?
Alam kong social science at hindi Theology ang iyong larangan,
Ngunit, ‘di ba’t karapatan naming malaman ang katotohanan?
Hindi ba’t sakop nito ang lahat ng kuwan?
Matanong ko lamang din Ginang at Ginoo,
Alam mo ba kung bakit hindi totoo ang teoryang ito?
Sa iyo bang pagtalakay ay natumbok ang anumalya rito?
Kung alam mo, bakit hindi mo tinuturo?
Hindi ba’t ito ang mas kailangan ko?
Naalala ko tuloy nung pinagawa mo kami ng sanaysay,
Tungkol sa kung mayroon ba talagang Human Nature,
Ang sinagot ko ay ang sinasabi sa Bible Scripture.
Ngunit bakit minali mo ako sa ating pagsasanay?
Dahil ba sa ang utak nila Freud at Marx ay ‘di ko hinimay?
Bilib ako sa inyong mga leksyon sa pamumuhay at lipunan,
Cultural Materialism, Biological Determinism at ano pa man.
Pagsuri sa behavioral pattern nating mga human,
Mga chimpanzee, homo-homo, at Neanderthal na yan.
Ngunit bakit ‘di Bibliya ang ating buksan gayong nandun ang kasagutan?
Naintindihan kong Anthropology ang iyong lapit at hindi Relihiyon,
Pero hindi ba’t higit sa Gorilla’t haka-haka dapat ang iyong layon?
‘Di ba’t dapat itinuturo mo rin ang misyon ko sa pamantasang ito?
Marahil ay tungkulin nga ito ng mga magulang ko,
Ngunit di ba’t ikaw ang pangalawang ama’t ina ko?
Mahal kong guro,
Ako ay nagpapasalamat sa iyo:
Sa ibinahagi mong mga kaalaman.
Ngunit ang tanong ko lang naman,
Saan napunta si Darwin noong sya’y lumisan?

Featured photo: Google Images

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s