Literary

Ano ang tula?

Ano ba ang tula? ‘Yan ang aking tanong,
kay Balmaceda: kulay rosas na sakong.
Si Santiago nama’y mas gusto pa’ng kangkong,
kung pumpon lamang ng salita sa saknong.

Talinghaga naman daw ang kaluluwa,
sa toreng gareng nina cummings at Villa.
Maging sa soneto, laji, haiku’t tanka,
kay Lopez, AGA, sa mga pakikibaka.

Ang anyo, tema, ritmo, diksyon at tono,
Balagtas sa sinauna, Antonio sa proletaryo.
Karanasan, malasakit at prinsipyo,
motibasyon kung sa’n humuhugot tayo.

Kay Said, tanging susi ang panitikan,
sa pagbago sa rungis ng kasaysayan.
Bugtong, tanaga, epiko o ambahan,
may sukat-tugma, malayang taludturan.

Marahil ay hindi nga maikakahon,
ang tula sa iisang depenisyon.
Baka nga hindi tula sa ibang opinyon,
Ang mismong binabasa mo ngayon.~

 

Featured photo: Google Images

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s